
panu nga ba ko magsisimula?
una ko cyang nakita sa lobby ng hpi plant.
nakaupo cya, mukang may hinihintay.
sa planta pa kc ko no'n naka-assign.
madalang ko lang cyang makita..
sa isip-isip ko, cnu kaya yun? hmm..
meron cyang kakaibang ganda.
cguro dahil sa hugis ng mukha nya.
meron cyang mga matang pag tinitigan mo,
mahihiya kang tumungin ng derecho.
magaling magdala ng damit.
ngumiti nga ako sa kanya no'n
pero hindi nya ata ko napansin.
after nun, nagtanung tanong na 'ko.
ahh cya pala si Glenna!
taga UT dept.
sales engineer.
simula no'n, palagi ko na syang iniisip.
tipong maya't maya. walang minutong nakakaligtas.
sa umaga, pag ka gising ko cya na kagad, ingat, take care...
sa tanghali, kumain kana? lunch ka na?
sa gabi, kumusta naman ang naging araw mo? gudnyt...
sa panaginip, wla ng iba. cguro 2x in a week.
ang masaya nito, i can control my dreams! haha.
malamang, nakukulitan na sakin 'to.
puro kc ako tanong! hehehe
pasensya na, KSP lang.
OMG, anu ba itu??
di ko pa naranasan 'tong ganitong pakiramdam.
sa buong buhay ko.
is it love or something else?
ewan ko nga ba. marami na akong naging gusto
pero hindi katulad nito na pinag iisip ako buong maghapon.
ibang klase. simula noon, naging curious na ako about her.
nag-isip ako, panu kaya nya ko mapapansin? hmm...
buti na lang may frenster!
madali ko lang nahanap ang profile nya.
marami nga akong nalaman tungkol sa kanya.
sinubukan kong mag send ng message.
nag reply naman cya kahit papano. hehe. swerte.
and then sa lotus notes.
nagkamali pa nga ako nung unang email ko.
napadala ko ba naman sa one of d sales manager ng UT!
halos pareho kc sila ng address.
napagkamalan tuloy akong bading. hehe.
sorry sa mga junk mails na napadala ko. i know your too busy...
medyo nakakahiya. kahit na alam kong busy cya madalas.
tapos nakuha ko na yung cp number nya sa directory.
so lucky naman till now nag rereply naman cya. hehe.
minsan tumatawag ako pag may lakas ng loob.
kakaiba ang pakiramdam pag kausap mo na cya.
i find her voice so sweeeet.
and for sure ganun din cya sa actual.
madalas nauubusan ako ng sasabihin. bat kaya ganun?
sa iba naman, mabilis akong nakakapag-isip ng topic.
madali kong napapatawa yung kausap ko.
nakakag-isip kagad ako ng mga nakakatawang punch lines.
pero pag sa kanya, halos madalas nagiging serious ako.
panu ko ba sya patatawanin?
naduduwag ako pag kaharap ko na cya.
ang bagal bagal ko.
sa iba di naman ganun.
ang kapal nga nang mukha ko kung tutuusin.
basta isa lang ang alam ko,
gusto ko na cya. and more than that...
di ko lang alam kung panu ang gagawin ko....
kung panu ko ipaglalaban.
cguro takot lang talaga akong ma reject.
di ko nga din alam kung gusto nya rin ako.
di ko matantsa.
ang hirap nyang basahin.
di kagaya ng ibang babae.
cguro kaya ko cya gusto...
sna palarin ako...
1 comment:
i seem to know that girl..
Post a Comment